Clean-up operation sa fishkill incident hanggang ngayong araw na lang

HANGGANG ngayong araw na lamang ang isasagawang clean-up operations kaugnay sa malawakang fishkill sa Batangas, bilang paghahanda sa pagsisimula ng klase bukas.

Ayon kay Region 4-A Provincial Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Dir. Vicente Tomazar, iniulat nito na simula noong Biyernes ay hindi na nadagdagan ang report kaugnay sa pagkamatay ng mga alagang bangus at tilapia sa Taal Lake.

“Simula noong Biyernes at kahapon, Sabado ay wala nang naiulat na fishkill sa area. Maliban na lamang sa mga namatay na at na-delay ang paglilibing sanhi ng kakulangan ng lugar, kasi karamihan dito, private lots na, kaya medyo natagalan ang negosasyon,” ayon kay Dir. Tomazar.

Binanggit din ng opisyal na puspusan ang ginagawang paglilinis ng mga apektadong local government units para maalis ang masangsang na amoy ng mga namatay na isda, para na rin sa kalusugan ng mga batang papasok bukas sa klase.

Sinasabing umaabot sa P142,530 milyon ang halaga ng pinsalang dulot ng fishkill sa Batangas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply