Clinton sa US: Ipagtanggol ang Pinas vs China

NAGSALITA na si US Secretary of  State  Hillary Clinton para ihayag na dapat ipagtanggol ng Amerika ang Pilipinas bilang pagtalima sa 50-anyos Mutual Defense Treaty laban sa China, kasama na ang pagbibigay ng armas dito upang maipagtanggol ang sariling bansa.

Inihayag ni Clinton ang mensahe matapos ang pakikipagpulong kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa US State Department noong Hunyo 23.

Ayon kay Clinton, ang Philippine -US Mutual Defense Treaty na nilagdaan noong 1951 ay patuloy na magsisilbing tuntungan ng relasyon ng dalawang bansa, kabilang na ang pakikilahok sa laban ng bansa sakaling magkaroon ng armadong pakikidigma sa Pasipiko na maglalagay sa peligro sa katahimikan at kaligtasan ng kani-kanilang mamamayan.

Noong nakaraang linggo ay nagpahayag din ng suporta ang ambassador ng Amerika sa Pilipinas na si Harry Thomas  na patuloy pa ring magkokonsulta ang dalawang bansa sa anumang isyu kabilang na ang South China Sea at Spratlys Islands.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply