COA auditors, 2 AFP gen kinasuhan sa DOJ

IPINAGHARAP na ng kasong plunder sa Department of Justice (DOJ) ang ilang auditor ng Commission on Audit (COA) at heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay pa rin ng nabunyag na katiwalian.

Batay sa reklamong isinampa ni dating AFP Budget officer Major Gen George Rabusa, kasama sa mga ipinagarap ng reklamo sina Coa auditors Arturo Besana, Crisanto Gabriel, Manuel Warren,  Lt Gen Gaudencio Pangilinan at ret Maj Gen Ernesto Boac.

Sinabi ni Rabusa na kaya niya isinama sa reklamo si Pangilinan ay dahil posible umano na umaktong bagman ng mga ipinadalang kickback para umano kay dating AFP Chief of Staff Arturo Enrile na pinaglingkuran ni Pangilinan bilang kanyang executive assistant.

Posible rin umanong nasangkot si Boac sa katiwalian nang siya ay magsilbing budget officer ng binuwag na office of the comptroller.

Habang ang tatlo namang state auditor ay acquiescence dahil posible umanong kinunsinte o hinayaan ng mga ito na malustay ang pondo ng militar.

Kasama naman ni Rabusa na nagtungo sa DOJ ang mga testigong sina Retired col Arnulfo dela Cruz; Ret. col Romeo Mateo at former budget officer Perla Valerio.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply