College student nabaliw sa gahasa sa Parañaque

NAWALA sa sariling katinuan ang isang babaeng college student makaraang matagpuang naglalakad nang nakahubo’t hubad sa Parañaque City, iniulat Huwebes ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon na biktima ng rape ang biktima na itinago sa pangalang “Rhea,” isang college student.

Nabatid sa kapatid ng biktima na umalis ng bahay ang kanyang ate para makipag-eyeball sa naka-chat nito sa social networking na Tagged, apat na araw na ang nakararaan hanggang hindi na nakauwi.

Hinala naman ng awtoridad na nabiktima ng gang rape ang biktima makaraang sabihin ng isang imbestigador na pawang malalaswang salita ang lumalabas sa bibig ng biktima nang kanilang dalhin sa pagamutan na tumutukoy sa mga kahalayang ginawa sa kanya ng mga hindi pa nakilalang salarin.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang pulisya sa ikadarakip ng suspek na nakuha ang pagkakilanlan sa mismong account nito sa Tagged.

 

 

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply