Comelec kinuwestiyon sa Hello Garci inquiry

KINUWESTIYON ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano ang Commission on Elections (Comelec) sa salu-salungat na ulat hinggil sa imbestigasyon ng ilang matataas na opisyal na nasangkot sa Hello Garci scandal na nananatiling nasa puwesto sa ahensiya.

Sa kanyang liham, hiniling ni Cayetano sa Legal Department ng Comelec na bigyan ang kanyang tanggapan ng kopya ng lahat ng dokumentong may kinalaman sa kinuwestiyon na imbestigasyon.

“Comelec explained that these officials were already investigated and were later cleared of all charges. However, according to recent media reports, no actual investigations were conducted. So I have to ask: Did Comelec really investigate these men’s involvement in the scandal?”  ayon kay Cayetano.

Humingi si Cayetano ng kopya ng inihain na reklamo, ang transcripts, listahan ng mga saksi, investigation report (kung mayroon) at pangalan ng mga opisyal ng Comelec na nagsagawa ng imbestigasyon.

“Determining the absence or presence of these investigations is the first step in ensuring that we get to the heart of the matter – that is making sure that those involved in the Hello Garci scandal are held accountable,” giit niya.

Nauna nang nabahala si Cayetano sa natuklasan na humahawak ng maseselang posisyon ang halos lahat ng pangunahing opisyal na sangkot sa dayaan noong 2004 na tinaguriang Hello Garci scandal partikular si Atty. Ray Sumalipao na inatasang humawak ng halalan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) 2011 polls.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply