Commemorative Rizal stamps inilabas ng PhilPost

MAY bago na namang iipunin ang mga stamp collectors ngayong inilabas na ng Philippine Postal Corporation’s (PhilPost) ang “commemorative” stamps ni Dr. Jose Rizal bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-150 kaarawan ng pambansang bayani.

Ang Jose Rizal@150 stamps ay klinasipika na “commemorative” na may presyong P7 kada-isa at may dami na 70,000.

Bukod sa nabanggit ay naglabas din ang PhilPost ng souvenir sheet ng P150 denomination na may dami lamang na 6,000 ayon na rin sa nakasaad sa kanilang website.

Kaugnay nito, inilunsad din PhilPost ang exhibit na kanilang tinawag na “Rizaliano Collection on Stamps Exhibit”  kung saan nakalatag ang kompletong koleksyon ng Rizal stamps na inisyu ng PhilPost, kabilang na ang artworks na idinesenyo at sinuportahan ng National Historical Commission of the Philippines.

Ang nasabing exhibit ay magtatagal hanggang Hunyo 30.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply