Computer shop nilooban sa Valenzuela City

TINANGAY ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang mga computer ng isang computer shop sa Valenzuela City Huwebes ng umaga, Hunyo 2.

Walong CPU at monitor ang natangay sa Jharl’s Internet Café sa Que Grande St., Ugong ng lnabanggit na ungsod na pag-aari ni JR Nicolas.

Sa pahayag ng caretaker na si Anthony Pansahon, dakong alas-otso ng umaga, bubuksan na niya ang computer shop nang mapansing sira ang kandado ng pinto.

Pagpasok ni Pansahon sa loob ay napansin agad na nawawala ang ibang computer na naging dahilan upang itawag sa kanyang amo at humingi ng tulong sa mga pulis.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply