Consignee ng black corals lumutang sa Senado

MATAPOS pagbantaan ng Senado na kakasuhan ng contempt, lumutang  sa imbestigasyon kaugnay sa nasabat na mga illegal harvested corals at endangered marine species ang itinuturong consignee ng kontrabando.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on environment kanina, dumalo si Exequiel Navarro para ipaliwanag ang panig nito kaugnay sa nasabat na 163 stuffed hawkbills at green turtles; 21,169 piraso ng black corals; 7,340 piraso ng Trumpet at Helmet shells at 196 kilograms ng tinatawag na sea whips.

Sinasabing nagkakahalaga ng P35 million ang kabuuan ng nasabing mga kargamento.

Ayon sa Bureau of Customs (BoC), idineklara umano ni Navarro na “raw rubber materials” ang shipment.

Si Navarro ay sinampahan na ng kaso kaugnay sa paglabag sa Fisheries Code of the Philippines (Republic Acct 8550) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Administrative Order 158.

Hugas kamay naman si Navarro na hindi niya alam na black corals at pawikan ang laman ng van na ipinangalan sa kanya kung saan tinatawagan lamang umano siya ng may-ari ng JKA Trading para kumikita  ng P500 kada container van.

Samantala, natuklasan ng Senate committee on environment and natural resources na mahigit sa tatlong taon nang nakakalusot ang smuggling ng black corals dahil sa maluwag na pagbabantay ng mga otoridad sa yamang dagat ng sinasamantala ng mga sindikato.

Sa ginawang pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Sen. Juan Miguel Zubiri, napag-alaman na noong 2007 pa ang pinakahuling apprehension ng maritime police sa mga kontrabandong yamang dagat bago ang nasabat na kontrabando sa South Harbor nitong nakaraang buwan.

Kasabay nito ay hinimok ni Zubiri ang Maritime Police na paigtingin ang intelligence monitoring upang sugpuin ang aniya’y walang habas na panggagahasa marine products.

Kabilang sa mga kinasuhan ng smuggling sa Department of Justice 9DOJ) kasama ni Navarro ang may ari ng Li and Lim trading na si Olivia Lim-Li at ang may ari ng JKA transport system na si Kim Atillano kasabay ng paglagay sa kanila sa watchlist.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply