Consignee ng smuggled sugar ‘di pa matukoy

PATULOY na nakabitin ang tunay na pagkakilanlan ng consignee ng pinakamalaking sugar smuggling na natimbog ng operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Service sa pamumuno ni Director Filomeno Vicencio Jr. sa Sterling Industrial Park, Barangay Iba, Meycauayan Bulacan, iniulat Lunes.

Ayon kay Vicencio, may sasabit umanong mga empleyado ng Customs sa pagpasok ng mga kontrabando galing Thailand, subalit kung ang mga consignee ay “fictitious” at walang tunay na opisina at kumpanya  na nagtatago lamang sa mga gawa-gawang pangalan upang lituhin ang awtoridad ay malalim na imbestigasyon ang kakailanganin upang makalkal ang mga nasa likod ng pagpupuslit.

Iimbestigahan din umano ang Sterling Industrial Park at ang mga may-ari ng pinauupahang mga bodega kung may kinalaman ang mga ito sa mga smuggling na nagaganap, sa pagkakadawit ng lugar sa ikalawang pagkakataong serye ng smuggling.

Ilang linggo lamang ang nakararaan ay natimbog din ng mga operatiba ng customs ang isang bodega ng smuggled na sibuyas galing China  sa loob din ng Sterling Industrial Park sa Storage Warehouse no. 505 habang ang mga kontrabandong asukal ay natagpuan sa No. 88 Little Tykes

Ayon naman sa Sugar Regulatory Administration, wala umano silang inisyung sugar release clearance  sa mga naturang  asukal na inimporta pa  galing Thailand ng consignee na di pa natutunton ng mga awtoridad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply