Consumer Act, Price Act palalawigin ng DTI

PALALAKASIN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang  Consumer Act at Price Act para mapatindi ang kaparusahan sa lumalabag dito.

Ayon kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, dahil sa matagal na ang naturang mga batas ay masyadong mababa ang parusang itinatakda nito para sa mga lumalabag.

Nais rin ni Maglaya na makasuhan ng kriminal at maipakulong ang mga lalabag sa Consumer Act at Price Act dahil sa pagsasamanta sa kapuspalad na mamamayan.

Ipinagmalaki ng DT) ang mga pagbabagong naipatupad nito para sa interes at proteksyon ng mga mamimili.

Ayon naman  kay DTI Secretary Gregory Domingo, numero uno nilang nagawa ay tugunan ang mga inirereklamo ng mga consumer na kanilang natatanggap sa pamamagitan ng hotline.

Binigyang diin ni Domingo na sa simula pa lamang ay malinaw ang direktiba sa kanila ni Pangulong Benigno Aquino III na tiyakin ang proteksyon ng mga consumer.

Kabilang sa mga reklamo na kanilang naaksyunan ay hinggil sa text scam, overpricing, return policy sa mga produktong binibili at panloloko ng mga tindero.

Sinabi rin nito na hindi nagpapabaya ang kanilang ahenisya sa pagbabantay sa presyo ng mga bilihin.

Ipinaliwanag ni Domingo na kapag global ang pagtaas ng isang produkto gaya ng sa trigo, mantika, tin can at gatas ay wala silang magagawa para mapigilan ito.

Gayunman, sinabi ng DTI Secretary na kapag lokal naman ang paggalaw ng halaga ng presyo ay kasama nila ang National Price Coordinating Council sa pagbabantay tulad ng nangyari sa asukal.

Aniya, dahil napansin nilang hindi bumababa ang presyo ng asukal kahit ibinaba na ng mga sugar miller ang halaga nito ay nagtakda sila ng SRP o Suggested Retail Price upang muling tumatag ang halaga nito.

Iginiit din ng DTI na palalakasin ang parusa sa mga lumalabag sa Consumer Act at Price Act.

Nais rin ni Maglaya na makasuhan ng kriminal at maipakulong ang mga lalabag sa Consumer Act at Price Act. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply