Contaminated products ng Taiwan ipinababawi na sa merkado

IPINAG-UTOS na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pagbawi sa mga merkado sa lahat ng itinuturing na high-risk food products mula sa Taiwan na hinihinalang nagtataglay ng kemikal na Di (2-ethylhexyl) phthalate (DEHP).

Sinabi ni FDA Director Suzette Lazo na nakumpleto na nila ang listahan ng mga produktong kontaminado ng DEHP na makikita sa kanilang website na www.bfad.gov.ph.

Tinatayang may 66 produkto na karamihan ay sports drinks, softdrinks, jam, jelly, fruit juice at tsaa ang kabilang sa sinasabing kontaminado ng DEHP.

Nauna rito, inilabas ng Taiwanese-Food and Drug Administration ang listahan ng mga produktong sinasabing kontaminado ng DEHP, na kinabibilangan ng Nature House Lactic Acid Bacteria (apple vinegar-flavored lactic acid powder) na gawa ng King Car Group; Skinny Dietary Drinks ng Chang Gung Biotechnology Corp.; Taiwan Sugar Ginger Clam Tablets ng Taiwan Sugar Corporation at Dongli Sports Drinks at Dongli Lemon Sports Drinks.

Kaugnay nito, inatasan din ni Lazo ang mga distributor ng Taiwan food products na hindi kasama sa listahan na huwag muna ring magbenta o mag-import ng nasabing produkto.

Bukod dito, pinagsusumite rin sila ng laboratory result mula sa FDA-accredited laboratory.

Ipinaliwanag ni Lazo na masama sa kalusugan ang sobrang pagkakalantad sa DEHP, lalo na sa mga bata, na posibleng pagmulan ng kanilang pagkabaog at pagkakaroon ng sakit sa bato o kidney.

Kasabay nito, naglabas ang FDA ng hotline number na 807-8275, kung saan maaaring tumawag ang publiko upang humingi ng ilang impormasyon hinggil sa mga itinuturing na high-risk food products mula sa Taiwan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply