Coral summit vs black coral smuggling ikakasa

NANINIWALA si Sen. Juan Miguel Zubiri na kundi man tuluyang masugpo, mababawasan ang pagpupuslit ng black coral at iba pang marine life kapag nagkaroon ng pandaigdigang kooperasyon sa pamamagitan ng coral summit sa Oktubre.

Ayon kay Zubiri, chairman ng Senate committee on environment and natural resources na nakipagkasundo na sila sa committee on science and technology at climate change na magkaroon ng coral summit sa Oktubre.

“So, the committee together with committees on science and technology, we discussed already with the  committee on climate change,  Sen. (Edgardo) Angara myself and Sen. (Loren) Legarda, will be hosting a coral summit in October together with DA, BFAR, DENR as well as DILG,”ayon kay Zubiri.

Aniya, iimbitahan ng komite ang mga international experts kabilang ang iba’t ibang ministro at kalihim ng kapaligiran sa ASEAN region, Taiwan, China, US at European Union para sa posibleng kolaborasyon laban sa illegal poaching at paninira ng marine resources.

“We need to invite the US and European Union because in these countries where corals are being sold,” giit ni Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na Kailangan ang pandaigdigang kooperasyon at tulungan para sa proteksiyon ng kapaligiran dahil walang hangganan ang proteksiyon ng marine life dahil apektado nito ang kabuuan ng food chain sa ating planeta.

“Kailangan natin ng inputs sa mga international experts at agencies na puwedeng gamitin sa pag-aamyenda ng ating umiiral na batas sa kapaligiran,” aniya.

Dismayado din si Zubiri sa kainutilan ng ating ahensiya tulad ng Marina, Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard na magbukas ng container vans na pinaghihinalaan na may kontrabando tulad ng black coral.

“We have no power, According to the DOJ, wala po tayong sapat na batas na nagbibigay po ng kapangyarihan sa kanila na buksan po to. Dito sa mga tips ibinibigay po sa ating ng mga iba’t ibang law enforcement agencies, pagbukas po nila under a tip may mga logs, illegally cut logs, drugs, motorcycles na smuggled cards and we have these turtles now and black corals,” ayon kay Zubiri.

“Imagine now kung gaano karami ang nailulusot sa araw araw na hindi po natin na lalaman and now it seems that these agencies are powerless. I particularly, do not believe that they are powerless. They should be given the legal frame work by the executive department.” Dagdag ni Zubiri.

Hiniling din ni Zubiri kay Pangulong Benigno Aquino na magpalabas ng isang order upang magamit ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan na nagbabantay sa mga daungan at paliparan na buksan ang lahat ng container vans na pinaghihinalaang ginagamit ng sindikato.

“The president should now come up with an order to do random checking of these vans coming from dubious sources and port of entries where many of these cases have been filed. For example, most container ports coming from Mindanao should be randomly checked to find out if these are carrying contraband.  I don’t’ believe that they have no right. I believe that the government should have all the right to protect its citizen and its people and its natural resources.” Paliwanag niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply