Crisis alert sa Bahrain ibinaba sa level 1

INILAGAY na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa level 1 mula sa level 2 na ang alerto nito sa bansang Bahrain.

Ang paglalagay sa alert level 1 ay kasunod  ito ng pag-alis ng Bahrain Government sa state of emergency sa naturang bansa.kasabay ng panawagan sa oposisyon na pag-usapan ang reporma sa pulitika.

“Under alert level 1, Filipinos are urged to actively monitor ongoing developments. Returning workers are allowed to go back to the concerned country, but non-essential and non-urgent travels are still not allowed,” ayon sa pahayag ng DFA.

Inanunsyo  na  rin  ng Bahraini Royal Palace  ang  nakatakdang pag-uusap  ng  pamahalaan  at  ng   opposition groups hinggil  sa political reform.

Magugunitang  noong  Marso  15,  ideneklara  ng  DFA  ang alerto  level  two  sa  Bahrain  kung  saan  kaakibat  nito  ang paghikayat  sa  mga  Pinoy  doon  para  sa   voluntary   relocation. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply