Cristine Reyes magdi-daring na sa pelikula

DAHIL puro flopsina ang mga ginawang movie, nagising na raw sa katotohanan itong si Cristine Reyes at kaagad na tinanggap ang sexy movie under Star Cinema and Viva Entertainment. Bale ang kanyang makakasama sa nasabing pelikula ay sina Derek Ramsay at Anne Curtis.

Imagine, first shooting day pa lang ay napasabak na kaagad ang nasabing young sexy actress sa mainit na bed scenes nila ni Derek kung saan nasilip raw ang boobs nito na talaga namang katakam-takam at tiyak na pagpapantasiyahan ng barakong fans once na maipalabas na sa mga sinehan.

Kasi naman, kung noon pa ginawa ito ni Cristine ay baka isa na siya sa tinatawag na blockbuster actress.

‘Yung mga naunang movies kasi nito ay balot na balot siya. Saan ka ba naman nakakita na ‘yung leading man niya sa Green Paradise ay hubot-hubad na samantalang nakabalot naman ng kumot ang naturingan pa namang flawless na sexy actress.

Hayun, flopsina gyud!

 

PRINCE STEFAN AT TOFFEE CALMA NAGKATIKIMAN?

Kahit na itinanggi na ni Prince Stefan na walang namamagitan sa kanila ng sexy actor na si Toffee Calma na kaparehas niyang pinagdududahan din ang gender, ayaw pa ring tumigil ang tsismis sa kanilang dalawa at ang latest ay nagkatikiman na nga raw sila nito.

Sanay naman daw kasing makipag-one night stand sa bakla at matrona itong si Prince kaya’t di niya masisi ang mga reporter kung isulat siya ng mga ito sa kanyang mga kalandian!

 

BOY ABUNDA, KAKAMPI NG MGA BAKLA’T TOMBOY

Kung walang Ladlad Partylist at wala si Boy Abunda, papaano na ang karapatan ng mga bakla at tomboy na matagal nang ipinagkakait sa kanila ng lipunan? Ang mga matatandang bakla na pinagtatawanan o inaabandona na?

Ang mga batang nasa kalye na tinatawag na bakla? Dahil sa mga diskriminasyong ito, tinanggap na ng respected and most credible talkshow host na si Kuya Boy Abunda ang maging Senior Political Adviser ng Ladlad Partylist na ang chairperson ay isa ring gay na si Ms. Bemz Benedito.

Sa mga intriga namang ipinupukol sa kanya, unang-una hindi siya nominado sa Ladlad Partylist at wala siyang balak na tumakbo para magkaroon ng posisyon rito. Saka 2004 pa lamang ay sumusuporta na sa kanyang maliit na paraan sa nasabing partylist si Kuya Boy.

“Wala akong balak tumakbo bilang kongresista for Ladlad. I am here in full support sa kanilang advocacy. Kasi nga, being an outspoken member of third sex, gusto ko lang makatulong na maisulong ang mga batas na magbibigay proteksiyon sa mga miyembro ng ating lipunan like the lesbians, gays, bisexuals and transgenders.

“Kung sakali mang maisip kong pumasok sa pulitika, I may just run for governor sa Eastern, Samar dahil alam kong may maitutulong din ako sa aming lalawigan.

“Masakit isipin pag nakakabasa tayo sa front page ng mga pinapatay na bakla. May ninanakawan na, pinagsasaksak pa ng 72 times. Bakit hindi na lang nakawan? Bakit kailangan pang patayin? Ganon na ba katindi ang poot nila sa ating hanay? Masakit ‘di ba? Tao muna kami bago naging bakla. Dapat magkaroon ng equal rights and equal oppurtunities. Tanggapin na sana tayo ng lipunan dahil tulad nila ay anak rin tayo ng Diyos,” huling sambit pa ni Kuya Boy na labis-labis ang pasasalamat sa simbahang Katoliko dahil tinuturing na ng simbahan na anak sila ng Diyos.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply