Coca-Cola nakalulusot sa BoC, pagbubuwis

INAKUSAHAN ng Confederation of Sugar Producers Association (Confed) Negros-Panay chapter ang kumpanya ng Coca-Cola na hindi nagbabayad ng tamang tariff obligations sa Bureau of Customs (BoC) sa pag-angkat ng tone-toneladang premix with flavoring and coloring upang makaiwas sa mga buwis na halagang milyon-milyong piso.

Ayon kay Confed president Raymond Montinola, sa lahat ng industriya na gumagamit ng asukal, tanging ang Coca-Cola lamang ang umaangkat ng ganito kalaking premix at high fructose corn syrup (HFCS) na umaabot sa 50,000 metric tons of premix sugar.

Ito umano ang sumasabotahe sa industriya ng asukal ng bansa, lalo na at nakalulusot sa Customs ang premix bilang isang uri ng sangkap.

Apektado rin ng mga importasyon ng Coca-Cola ang industriya ng asukal sa Victorias, kung saan bumagsak na ang presyo ng bawat sako ng asukal sa P1,250.

Kaya umanong suplayan ng lokal na asukal ang pangangailangan ng Coca-Cola kaya’t hindi na kailangan nitong mag-importa.

Umano, dalawang milyong sako ang nawawala sa lokal na merkado sa ginagawang importasyon ng kumpanya at limang milyong magtatanim na umaasa sa industriya ng asukal.

Bunsod nito, nagsagawa ng mga rally ang may 5,000 magtatanim sa harapan ng planta ng Coca-Cola sa Barangay Mansilingan at sa Bacolod City Plaza.

Nanawagan ang mga ito na i-boycott ang mga produktyo ng Coca-Cola.

Magkakaroon din ng rally sa planta ng kumpanya sa Pampanga bilang protesta sa patuloy na pag-boycott ng Coca-Cola sa lokal na asukal.

Umaasa naman si Luis Tongoy ng Confed na may kahihinatnan ang kanilang kaso  kasama ang BoC laban sa higanteng kumpanya.

Sa talaan ng Confed, lumalabas na tatlong milyon pang mga Negrense na umaasa sa industriya ng asukal at libu-libong mga manggagawa ng 18 lalawigan ang mawawalan ng trabaho sa pagkalugi ng mga sugar mills at planta.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply