Customs, BIR pinasasampulan kay PNoy

NANGUNGUNA ang Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa listahang inilabas ng mga obispo ng Simbahang Katoliko na dapat linisin ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III dahil sa mga katiwalian at korapsyong nangyayari doon.

Anila, ito ang paraan upang maging posible ang mga pangako nitong binitawan sa kanyang kauna-unahang pahayag bilang Pangulo sa okasyon ng Araw ng Kalayaan.

Ilang mga obispo ng iba’t ibang lugar ang nagdududa sa pangako ng Pangulo na iaahon sa korapsyon at kahirapan ang bansa bago siya bumaba sa puwesto sa taong 2016.

Anila, kung 10 porsyento lamang ang mababawas sa mga insidente ng korapsyon sa bansa sa loob ng limang taon ay mas kapani-paniwalang mangyayari ito.

“Napakataas na pamantayan at kailangang patunayan niya ang kanyang kakayahan,” ayon kay Baguio Bishop Carlito Cenzon sa isang pahayag sa radyo.

Naniniwala din si Bishop Dinualdo Gutierrez ng Marbel na hindi ito kayang abutin ang pangako ni Aquino ng isang bansang walang korapsyon.

Ang Customs at BIR na dalawang pinakamalaking tagalikom ng pondo ng gobyerno ang dapat umanong gawing ehemplo ng Aquino administration upang tuparin ang kayang pangako.

Sinabi rin ni Antipolo Auxiliary Bishop Francisco de Leon na iba ang salita kaysa gawa.

Nais umano niyang makakita ng aksyon tulad na lang ng mga pagwawalang-bahala ng Pangulo sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang mga kaibigan, kabarilan at kakampi.

Kailangan umanong patalsikin at sibakin ni Aquino ang mga kaibigan at huwag protektahan iyong mga mapapatunayang gumawa ng kalokohan sa pwesto at pumili ng mga opisyal na may kakayahan.

Ang ilang opisyal na nadawit sa mga katiwalian, ayon naman kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, na hanggang ngayon ay ‘di inaaksyunan ng Pangulo ay ang mga kaibigan ni Aquino na sina Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres, na inirekomenda ng Department Of Justice (DOJ) na masuspinde dahil sa pakikialam sa isyu ng Stradcom, si Interior Undersecretary Rico Puno, na inirekomendang makasuhan dahil sa palpak na Rizal Park hostage rescue, at isa pang kaibigan na si Finance Secretary Cesar Purisima na naakusahan ng tax evasion subalit wala pa ring aksyon ang Pangulo. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply