Customs commissioner sinabon ng mga kongresista

SINABON ng mga kongresista si Customs Commissioner Angelito Alvarez dahil sa paghuhugas-kamay kaugnay sa pagpupulist ng mga diumano’y nakaw na sasakyan ng pinaghihinalaang car smuggler na si Lynard Allan Bigcas.

Sa pagdinig ng House ways and means sub-committee on customs and tariff, hindi pinaniwalaan ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang paliwanag ni Alvarez na dumistansya ito sa kaso ni Bigcas dahil hindi pa umano ito nakaupo nang maganap ang mga pagpupuslit.

Bagama’t nanindigan ang abogado ni Bigcas na si Atty. Jose Pallugna na may sapat na papeles ang mga sinasabing smuggled vehicles, kasama na ang American Chopper big bike na sinasabing pag-aari dati ng Hollywood scriptwriter na si Skip Woods.

Inamin ni Alvarez na walang record ng pagbabayad ng buwis ang mga ipinasok na imported na sasakyan ni Bigcas.

Ani Magsaysay, mistulang bulag na commissioner si Alvarez dahil hindi nito nalalaman ang nangyayari sa kanyang hurisdiksyon.

Kinastigo rin ng House sub-committee on customs and tariffs ang hepe ng Land Transportation Office (LTO) ng Iligan dahil sa kabiguan nito na maglabas ng dokumento ng mga ipinasok sa bansa ng mga imported at mamahaling sasakyan kaugnay pa rin sa umano’y pag-smuggle ng mga hot motorbikes at mga sasakyan ng negosyanteng si Bigcas.

Pinagalitan ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas si LTO Iligan Chief Mundadatu Mangandam dahil walang aksyon na ginawa ang kaniyang tanggapan sa Region 10 kung saan dinala ang ipinuslit na hotcars at motorcycles ni Bigcas.

Nabulgar din sa pagdinig na sa ibang lugar din pala nakarehistro ang ilang mga sasakyan.

Samantala, inamin naman ni Bigcas sa komite na ipinapangalan niya sa kanyang mga pinsan na sina Noeh, Noah at Luke Alcala ang ilan sa kanyang mga sasakyan upang maiwasan ang pagkuwestiyon kung bakit marami siyang mamahaling sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply