DA, DENR at DOE nais pag-isahin

ISINUSULONG ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento ang posibilidad na pag-isahin na lamang ang ilang ahensya ng gobyerno na may magkakapareho o nauulit na mandato upang higit na makatipid ang burukrasya.

Tinukoy na halimbawa ni Sarmiento ang Department of Agriculture at Department of Environment and Natural Resources na may magkatulad na trabaho na pagtiyak sa wastong paggamit at pag-iingat ng resources ng bansa.

Pareho rin aniyang naghahabol ang DA at DENR sa mga nagsasagawa ng ilegal na pangingisda o nagpupuslit ng yamang-likas ng bansa at nakatutok.

“We are constantly confronted with a situation when no one in the bureaucracy is taking the responsibility each time the government is embroiled in some controversy. In the black coral smuggling controversy, people from the DENR, the Philippine Coast Guard, the
local government unit and the Bureau of Customs are passing the blame on each other for their failure to detect the massive poaching of the endangered corals,” ani Sarmiento.

Kung mabibigo aniya ang paglikha ng komprehensibong plano para sa hatian at pagtutulungan sa trabaho ng mga kagawaran ng pamahalaan, dapat ay ikonsidera na ang pagsasama-sama na lang sa iisang departammento ng DA, DENR at maging ng Department of Energy.

“ These agencies are eternally in conflict because there are certain functions of  both the DA and the DoE which are already the primary mandate of the DENR  especially in the field of conservation  and the management of the country’s natural resources,” ayon pa sa
kongresista.

Binanggit pa ng mambabatas na kahit ang ibang law enforcement agencies tulad ng Philippine Coast Guard na nasa ilalim ng Department of Transportation and Communication, ang Maritime Command ng Philippine National Police at ang Philippine Navy ng Armed Forces of the Philippines ay nagkakaroon din ng sapawan sa kanilang mandato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply