DA aangkat pag ‘di bumaba ang presyo ng manok

NAGBANTA ang Department of Agriculture (DA) na mag-aangkat na lang sila ng karne ng manok sa ibang bansa sakaling hindi ibaba ng mga negosyante ang presyo nito sa merkado.

Ayon sa mga negosyante ang pagtaas sa presyo ng manok ay dahil sa pananalasa ng nagdaang kalamidad.

Sa ipinatawag na emergency meeting kahapon ni Agriculture Sec. Proseso Alcala, sinopla nito ang mga producer at mga nagtitinda ng manok ukol sa kung ano ang pinagbatayan nila sa pagtataas ng presyo nito sa merkado.

Sa monitoring ng DA umabot na sa P135 hanggang P140 ang bawat kilo ng manok na dapat sana ay nasa P130 bawat kilo lamang.

Ayon kay Alcala, hindi naman naapektuhan ang supply ng feeds na pinapakain sa mga manok kahit may bagyo dahil sapat ang produksyon ng mais bansa.

Samantala, naintindihan ng DA ang bahagyang pagtaas ng presyo ng gulay sa kasagsagan ng bagyong Falcon, ngunit ngayon ay dapat bumalik na ito sa normal na presyo.

Ideneklara na rin ng DA na ligtas na ring kainin ang isda dahil ilang linggo na ang nakalilipas mula ng maganap ang sunud-sunod na fishkill.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply