Daan-daang pasahero naperwisyo ng baha

DAAN-DAANG pasahero ang naperwisyo at na-stranded sa Metro Manila bunsod ng walang humpay na pagbuhos ng ulan na dulot ng bagyong “Falcon.”

Isa na rito ang pagtaas ng tubig baha sa mga lansangan kayat nahirapan ang marami sa kanilang pagpasok sa kani-kanilang trabaho.

Bukod dito, hirap sa pagsakay ang mga pasahero kaya ilang oras din na-stranded ang mga ito .

Partikular na lumubog sa baha ang Tondo, Dimasalang at Espana sa Maynila.

Ang paglakas ng buhos ng ulan ay bunsod na rin ng pagsasanib puwersa ng bagyong Falcon at ng low pressure area sa Pacific Ocean.

Dahil sa walang tigil na pag-ulan ay sinuspinde ng Department of Education ang lahat ng klase sa buong National Capital Region (NCR).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply