Dagdag kaso sa AFP ikakasa ni Rabusa

POSIBLENG madagdagan pa ang mga ikakaso ni Ret. Col. George Rabusa kaugnay ng katiwalian sa militar.

Ayon kay Rabusa, pinag-aaralan na nila ang mga dokumento na kanilang hawak para matukoy kung sinu-sino pa ang maaring papanagutin sa nabunyag na korapsyon sa Armed Forces of the Philippines(AFP).

Ngunit posible umanong ibang kaso na at hindi na plunder o pandarambong ang ihahain niyang reklamo.

Maaari umanong katiwalian o paglabag sa anti graft and corrupt practices act ang isasampa nilang reklamo sa mga susunod na linggo.

Paglilinaw pa ni Rabusa, maaring mga opisyal o dating kasapi na lamang ng Sandatahang Lakas ang susunod niyang sasampahan ng reklamo, taliwas sa  ginawa niyang paghahain ng reklamong plunder kung saan may mga idinawit siyang auditor ng COA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply