Dagdag na benepisyo sa manggagawa sa Hunyo 20

PAGKAKALOOBAN ng 130 porsiyento ng arawang sahod ang mga manggagagawang papasok sa kanilang trabaho sa Lunes, isang piyesta opisyal dahil sa pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Gat Jose Rizal.

Nabatid kay acting Labor Secretary Danilo Cruz na ang nasabing araw ay isang non-working day na idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III sa bisa ng Proclamation No.154.

Ayon pa kay Cruz, nagpalabas na rin ang ahensya ng patakaran sa pagbabayad ng mga employer para sa magiging basehan nila ng sahod at benepisyo ng kanilang mga manggagawa.

Ang mga manggagawa na papasok umano sa nasabing araw tatanggap ng nasabing dagdag sa kaniyang arawang sahod.

Ang lalagpas naman sa walong oras na paggawa ay pagkakalooban naman ng 30 porsyentong karagdagang sahod para sa kada oras niyang pagtatrabaho.

Wala namang matatanggap na kabayaran ang mga manggagawa na hindi papasok sa nasabing araw, pero nasa kompanya pa rin umano kung magbibigay ito ng benepisyo base na rin sa pinaiiral na collective bargaining agreement (CBA).

Magkakaroon naman ng 15 porsiyento ng kaniyang arawang sahod ang manggagawang papasok ng walong oras, kung ito ay nataon ng kaniyang pahinga o dayoff.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply