Dagdag na ‘pork’ kinumpirma ni Lacson

PINATOTOHANAN ni Sen. Panfilo Lacson ang ulat na dinagdagan ang “pork barrel” ng mga mambabatas na bumoto sa pagpapaliban ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ibinulgar ni Lacson, na umabot sa P30 milyon ang nadagdag sa pork barrel ng mga senador at P10 milyon naman sa bawat kongresista, kabilang ang mga kinatawan ng party-list groups.

Ibinulgar din ni Lacson na hindi galing sa national budget ang pondo kundi sa motor vehicle users’ charge o sa road users’ tax.

Ayon pa kay Lacson, hindi ito makakarating sa palad ng mga mambabatas kung tutukoy lang ang mga ito ng lugar at espisikong proyekto na paglalaanan ng pondo.

Aniya, nakatuon ang pondo sa lahat ng mga mambabatas at hindi lang sa mga sinasabing bumoto sa pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Samantala, itinanggi ni Sen. Franklin Drilon, chairman ng Senate finance committee, ang tinuran ni Lacson. Aniya, wala siyang alam sa napaulat na karagdagang pork barrel at hindi ito dumaan sa Kongreso.  Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply