Dagdag pondo sa AFP hinarang

HINARANG ng MAKABAYAN Coalition sa pangunguna ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang hinihinging karagdagang P40 bilyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ani Casino, mas makabubuting gamitin na lamang itong pantustos sa mga eskuwelahan sa halip na idagdag sa badyet ng AFP.

Ipinaliwanag ng kongresista na naglaan na ang Kongreso ng P5 bilyon bawat taon para sa AFP Modernization Program mula 2005 hanggang sa pagtatapos ng Republic Act 7898 nitong 2010.

Nitong nagdaang Abril lamang ay nangako si Presidente Aquino ng P11 bilyon para sa 2011 kung saan ang P8 bilyon ay kinuha mula sa Malampaya Project funds, at P3 bilyon mula sa AFP modernization budget.

“Now they’re asking for P8-billion more next year until 2016. Sumusobra naman sila,” ayon kay Casiño.

Una nang inamin ng gobyerno na kulang ng nasa 100,000 ang bilang ng guro,150,000 classrooms, 13.5M upuan, at 95.5M libro.

“Why spend billions on ships and planes, when we can’t even have enough teachers, books, and school chairs?” pagtatanong ni Casiño.

Mula P398.9 bilyon noong 2010, ang badyet para sa economic services para sa 2011 ay binawasan ng halos 10% o naging P361.1 bilyon.

Naapektuhan o binawasan naman ang mga sektor ay ang agriculture at agrarian reform, communication at transportation, water resources development at flood control, power at energy.

Ginagamit lamang aniya ng pamahalaan ang usapin sa Spratlys para mapalaki ang budget ng AFP habang nagdurusa naman ang mahihirap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply