Dahil iniwan ng asawa, driver nagpatiwakal

ISANG driver ang nagbigti sa sarili gamit ang nylon cord bunga ng pagiging desperado sa buhay matapos itong hiwalayan ng kanyang misis kagabi sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City.

Ang biktimang natagpuang nakabitin sa kisame ay nakilalang si Raul Estrada, nasa hustong gulang, may-asawa, driver, ng Phase 5, Block 26, Lot 32, Barangay Bagong Silang.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Primoval Templaza, ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan police, dakong 7:55 p.m. kagabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito sa naturang lugar na nakapulupot sa leeg nito ang nylon cord at nakatali sa kisame.

Ayon sa kaibigan ng biktimang si Marcelo Adonis, bandang alas-dos ng hapon bago ang insidente, napansin nito ang biktima na balisa at tila desperado sa buhay kung saan nalaman nito ang pakikipaghiwalay ng asawa kay Estrada.

Kinagabihan ay tumungo ito sa bahay ni Estrada, subalit pagpasok nito ay tumambad sa kanyang harapan ang nakabiting bangkay.

Agad naman itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay at ipinagbigay-alam ang insidente sa pulisya.

Kasalukyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang alamin kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply