Dahil kulang sa suporta: Duncan Ramos aalis na sa Genesis!

ONE on one naming tsinika si Duncan Ramos after ng open forum ng presscon ng kanyang concert na Unleashing the Knight na gaganapin sa June 25 sa Zirkoh, Tomas Morato.

Halatang na-disappoint si Duncan dahil hindi natupad ‘yung usapan nila noon ni Gary Valenciano na magi-guest ito sa kanyang kauna-unahang concert niya, to the point na manager niya si Angeli Pangilinan ng Genesis aside from the fact na  madalas siyang guest sa mga nakaraang concert ni Mr. Pure Energy.

“Gustung-gusto ko po siya talagang maging guest. Dapat po talaga, guest ko siya. Hindi ko po alam kung bakit hindi natuloy, hindi ko po talaga alam. For some reasons, hindi po pumuwede si Gary. Ang sabi may show siya abroad pero nakarating na, e!,” pahayag ni Duncan.

Tinatanong tuloy siya kung masama ba ang loob niya kay Gary o sa Genesis?

“Hindi naman tampo, siguro, ano lang, paano nga bang tawag du’n? Kasi dati pa, nagsabi na ako sa kanya na kapag ako nagkaroon ng first show, sana, maging guest din siya, and sabi niya, ‘yeah, of course’. So, sana lang, mas maganda kung nagkaroon ng kahit kaunting support man lang,” deklara ni Duncan.

Sobrang pinaghandaan kasi ni Duncan ang June 25 concert niya sa Zirkoh dahil ito ang first solo show niya since South Border days at talagang sobrang pinaghahandaan niya ito.

“Sinabi ko naman sa kanila, two months ago pa. Pero ganu’n talaga. Life goes on,” aniya pa.

Tinanong din namin kay Duncan kung ano ang suporta na nakuha niya sa Genesis sa nagma-manage ng career niya. Kung hindi puwede si Gary V., hindi man lang ba ibinigay si Jericho Rosales o kaya si Gab Valenciano?

Malungkot niyang sinagot na wala.

Nagulat din siya nang tanungin namin kung after ng kanyang concert ay aalis na ba siya sa Genesis? Paano raw namin nalaman yun? Sabi namin, base sa situwasyon posibleng ganun ang maging desisyon niya.

Nabanggit niyang nag-email na raw siya the previous night kay Angeli na ini-inform na aalis na siya sa pangangalaga ng Genesis.

“Sabi ko lang, nothing personal, and sana maintindihan nila that this is about work,” pagtatapat niya.

As of presstime, wala pa raw sagot si Angeli sa e-mail niya and willing naman daw siyang makipag-meeting ng harapan para pag-usapan ang mga bagay-bagay.

Anyway, dahil hindi pumuwede si Gary V. ay kaagad kinontak ng producer ng naturang concert (Jobert Sucaldito) si Ai-Ai delas Alas para maging guest ni Duncan at laking pasasalamat naman nila na hindi sila nagdalawang-salita sa Comedy Concert Queen.

“Manggagaling pa siya sa Grand Finals ng Pilipinas Got Talent sa June 25 sa Araneta, pero umoo siya agad, day. Kaya sobrang pasasalamat k okay Ai-ai,” sabi ni Jobert.

Bukod kay Ai-Ai ay guests din ni Duncan sina Luke Mejares, Jimmy Bondoc, fellow ASAP Sessionistas na si Sitti, Gem Ramos, Prima Diva Billy and the singing General Benjie Belarmino, Jr.

***

NOONG June 18 ay nagkita nang di sinasadya sina JC De Vera at Robin Padilla sa Taste of LA, Morato. Agad umakyat si JC kay Binoe para personal na bumati at magpasalamat sa “Utol” dahil may blessing si Binoe na si JC nga ay bagay na “Ben” sa “Utol Kong Hoodlum.”

Anyway, grabe ang nangyari kay JC sa  pagti-taping ng naturang serye. Na-confine siya sa ospital ng isang linggo pagkagaling sa Australia kung saan ay kinuha ang ilang eksena ng naturang serye.

Nagkaroon daw siya ng throat infection. Bukod dito, nanibago siya sa klima dahil sobrang lamig sa Australia tapos sobrang init dito sa Pilipinas.

Dinalaw-dalaw naman daw siya ng girlfriend niyang si Danita Paner pag may free time ito. Umabot na raw ng eight months ang kanilang relasyon.

Tsuk!

***

POSIBLENG may lumitaw na maging artista o sikat na modelo sa 20 mag-aaral na babae na official candidate ng Binibining Unibersidad sa Amoranto Hall ng Quezon City Hall.

Ang naturang pakontes ay itinataguyod ng Binibining Unibersidad Peace Emissarues, Inc. sa pamumuno ni Judith Arlene Vergara bilang president and CEO.

Dahil nga mga estudyante lahat ng kalahok at nagsisimula na ang klase nila, and many contestants come as far as Mindanao, and as close as Quezon City, maagang ginanap ang presentation of candidates who were all clad in maong jeans and shorts and the contest’s official T-shirts.

Hindi lang prettiest at smartest female university students ang mananalo sa Binibing Unibersidad kundi huhubugin din nila itong Ambassadress of Social Change to promote peace and unity. Magiging kinatawan din ito sa annual World Miss University competition. Bongga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply