Dahil sa KK at PP ni PNoy

DEGRADING na ang rating ni Pnoy sa mata ng taumbayan.

Mula sa “very good” noong una, “good” na lang ngayon. Yan ang pahiwatig ng mga nakausap ng SWS survey.

Sa Pulse Asia naman, laglag din ang salawal este rating ni PNoy.

Kaya huwag tayo magtaka kung sa susunod na survey ay “No Good” na ang lumabas na resulta.

Hindi naman nagkalayo ang bilang ng SWS at Pulse Asia kung saan makikita na talaga nga namang marami na ang dismayado sa matuwid na daan ni PNoy.

Ehem! Kay Paul Gutierrez at Vic Reyes lang mataas ang rating mo, Mr. President.

Kasi nga naman hindi nakakalimutan ng dalawa nating ka-Bro na banggitin ang kagalang galang na Pangulo.

Banat nga lang!

Paano nga naman hindi babanatan, kay PNoy ka nga lang naman makakikita ng KKK (Kaklase, Kaibigan at Kabarilan).

Kapag pasok ka riyan sa KKK ay lusot ka na!

PCSO TALIWAS SA DIWA NG PPP

Panay ang kampanya ni PNoy para sa Public-Private Partnership para umunlad ang ekonomiya ng bansa.

Alam ni PNoy kung gaano kahalaga ang papel ng pribadong sektor sa paggawa ng mga proyekto at pagpapatakbo ng mga programa para sa kaunlaran at gusto niyang kunin ang tulong ng mga ito.

Pero sa Philippine Charity Sweepstakes Office na may iniupong KKK ni PNoy,  kabaligtaran ang ginagawa.

Sa dumarating na report sa atin, hindi na umano tumutulong sa pinansiyal at iba pang bagay ang PCSO na pinamumunuan ni Margie Juico sa Caritas Manila na tapat na naglilingkod sa mga mahihirap sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

Unti-unti na ring pinuputol ang tulong nito sa Child Hauz na nag-aalaga sa mga kawawang batang may kanser.

Katwiran nila, mga pribadong organisasyon ang mga ito at hindi sila kinakailangang kalingain ng PCSO na ahensiya ng gobyerno.

Anak ng mga bakang sosyal diyan sa PCSO, hindi ba pupuwedeng ituring na PPP ang partnership ng PCSO at charitable institutions?

Pera n’yo ba yang sinusuwapang n’yo?

Nagtatanong lang po!

Bakit kasi naging KKK at PPP ang hilig ni Pang. Noynoy?  Hindi ba’t dati ay PP at KK lang ang hilig nito?

Itanong n’yo pa kay Chiz!

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply