Dahil sa mga sakit, lolo nagpakamatay

NAGBIGTI ang isang lolo matapos na hindi makayanan ang mga sakit dala ng katandaan sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw, Hunyo 13.

Patay na nang matagpuan ang biktimang si Resino Abejar, 71, ng Reparo St., Baesa, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, 5:30 a.m. nang matagpuang nakabigti ng electrical cord ang biktima sa pintuan ng kanilang bahay.

Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Rosa, dumadaing sa kanya ang biktima dahil marami na itong nararamdaman sakit subalit walang maipambili ng gamot.

Laging matamlay ang biktima hanggang sa makitang nakabigti na.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply