Dahil sa nakaimbak na uling: 13 katao hinika

NAKARANAS ng paninikip ng dibdib at nagkasugat ang 13 residente ng Pier 18 sa Tondo, Maynila kabilang ang isang limang-buwan na sanggol dahil sa nakaimbak na uling doon.

Agad na dinala sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Ritchie Dela Cruz, 1; Radge dela Cruz, 6; Miles Gweneth dela Cruz, 8;  Zengie Ruben Zamora, limang buwan; Queen Stephanie Timod  at  John Kernel Gecarog, kapwa anim na buwan; Kerbie Biulon, 4; Shymae dela Cruz, 3; Aileen Mae Oquias, 7; Emerald Hiceta, 2; Maricar Jintulan, 28; Irish Suentado, 29 at  Ma. Theresa de Guzman, 44.

Ang mga biktima ay pawang residente ng Aldrea-Fortune Compound, Pier 18, Vitas, Tondo, Maynila.

Sa report ni Manila City Health Office chief Dr. Lorraine Sanchez, dumaan ang 13 biktima sa iba’t ibang medical check up.

Lumilitaw sa report ng naturang ospital, ang mga biktima ay dumanas ng upper respiratory tract infections, bronchitis at asthmatic bronchitis bukod pa sa mga sugat at iritasyon ng mata.

Ayon naman kay Department of Public Service Col. Carlos Baltazar (ret.), ang mga nasabing uling sa lugar ay pagmamay-ari ng isang Robi Sy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply