Dahil sa fish kill, Koreano nag-suicide

HINIHINALANG ang malaking pagkalugi sa kanyang negosyo dahil sa fish kill ang sinasabing dahilan sa pagpapatiwakal ng negosyanteng Koreano makaraang lumundag mula sa ika-12 palapag ng tinutuluyan nitong gusali sa Quezon City, Linggo ng  madaling-araw.

Patay na nang madiskubre ng mga awtoridad ang bangkay ni Kuan Hun, 70, Korean national  at nanunuluyan sa ika-12 palapag ng Princeton Hotel  matapos lumagapak sa likurang bahagi ng katabing Roosevelt College sa Quezon City.

Ayon sa asawa ng biktima, huli niyang nakausap ang asawa habang umiinom ng red wine pasado  alas 12:00 kagabi.

Huling nasabi umano ng asawa niya ay ang malaking pagkalugi sa negosyo matapos ang sunod-sunod na fish kill  na nangyari sa Batangas at Pangasinan.

Magkagayunman, masusi pa ring sinisiyasat ng pulisya ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply