Dalaga nilasing saka niluray ng manyak

NILASING muna bago pinagsamantalahan ng manyakis na aircon technician ang isang dalagang factory worker na kanyang inimbitahan ng inuman sa kanyang bahay sa Quezon City, iniulat Lunes ng umaga.

Galit na galit na nagreklamo sa himpilan ng QCPD Station 2 ang biktima matapos ipahuli ang itinurong suspek na kinilalang si Nelson Bruto, 38, ng 37 Pitimini St., Brgy. Paltok, SFDM, Quezon City.

Batay sa ibinigay na testimonya ni “Anita,” 20, ng Brgy. Paltok sa Womens and Childrens Complaint Desk, inimbitahan siya ng suspek na mag-inuman  at dahil kapitbahay niya umano ang suspek at matagal nang kakilala ay nagtiwala siya.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay may masama na palang balak sa kanya ang suspek dahil ng makaramdam na siya ng pagkahilo sa nainom na alak ay nagpaalam pa siya sa suspek na magpapahinga muna kung kaya inalalayan pa umano  siya ng suspek sa loob ng kuwarto nito.

Bandang 5:30 ng gabi ay naramdaman ng dalaga na may humihimas na sa kanyang kaselanan at dito niya nabungaran  ang suspek na wala nang saplot sa katawan bago sapilitan na siyang hinubaran ng panty at kinubabawan.

Aniya, wala umano siyang magawa habang siya’y pinagpaparausan ng suspek dahil nanghihina siya dala ng kalasingan.

Matapos ang pangyayari ay luhaang nagsumbong ang dalaga sa kanyang lola na siya namang nagpahuli sa nasabing suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply