Dalagang pipi, ginahasa ng sariling pinsan

HINDI nagawang makapalag o makasigaw man lamang ang isang dalaga dahil ipinanganak itong pipi kaya malaya itong nagahasa ng kanyang sariling pinsan sa Paoay, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng pulisyas nitong Lunes.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ipinagharap ng sumbong ni “Amor,” hindi tunay na pangalan, 21, ang kanyang pinsan na puwersahang humalay sa kanya.

Nahaharap naman ngayon ang suspek sa kasong kriminal matapos na positibong ituro ng biktima at kapatid nito na siyang humalay sa piping biktima sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid sa ulat ng Ilocos PNP, magkasama sa iisang bahay ang dalawa at nang minsang walang tao sa kanila ay puwersahan siyang hinatak sa kusina at doon pinagsamantalahan ng lalaki.

Nakita naman agad ng kapatid ng dalaga na duguan ang mga hita nito dahilan upang ipagharap nila ng sumbong ang suspek sa tanggapan ng Womens’ and Childrens’ Desk ng Paoay.

Lumabas sa medico-legal na positibong ginahasa ang biktima base sa lumabas na resulta ng medical examination.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply