Dalagita niluray ng senglot na kuya

DUMULOG sa tanggapan ng pulisya ang isang dalagita nang gahasain ng kanyang sariling kuya sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Casambalangan, Sta. Ana, Cagayan, sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Ayon kay PO1 Mae Cadacal, lasing na umuwi ang 22-anyos na suspek kung saan nadatnan ang nakababatang kapatid na naghahanda ng pagkain.

Sinasabing tinawag umano nito ang 15-anyos na biktima sa loob ng kanyang kuwarto at ng tumalima ang dalagita ay biglang isinara ng kanyang kuya ang pinto ng kuwarto saka isinagawa ang paghahalay.

Kaagad namang isinumbong ng biktima sa nakatatanda nilang kapatid ang pangmo-molestiya sa kanya ng sariling kuya kaya naaresto ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply