Dalagita pila-balde sa 3 bagets, 2 tiklo

DALAWA sa tatlong binatilyo ang nadakip ng pulisya sa isinagawang follow-up operation matapos ireklamo ng isang 15 anyos na estudyante na umano’y halinhinan nilang ginahasa sa Quezon City.

Kinilala ang mga manyak na nahuli na sina Jomer Damaso, 25, binata, canteen boy, ng Lirio St., Caloocan City at Raffy Fortales, 17, binata, ng Phase 2, Bagong Silang Caloocan.

Nakatakas naman ang kasamahan nilang si Raymond Fortales na taga-Caloocan City rin.

Batay sa ibinigay na testimonya ng biktimang pinangalanang “Neneng,” 15, sa Womens and Childrens Protections Desk (WCPD) ng Quezon City Police Department (QCPD), nangyari umano ang insidente mga bandang alas-dose hanggang ala-una ng hapon noong Hunyo 15, sa may madamong lote sa Barangay Lagro.

Ayon sa reklamo ng biktima, binola umano siya ng mga suspek bago puwershang isinama at dinala sa nasabing lugar sakay ng tricycle.

Pagsapit dito, wala umanong nagawa ang biktima nang sapilitan siyang hubaran ng pang-ibaba bago halinhinang hinalay ng tatlong binatilyo.

Matapos makaraos ang mga suspek ay ihinatid pa umano nila ang biktima malapit sa isang eskuwelahan sa lugar.

Dahil dito, hindi na nag-aksaya ng pagkakaton ang biktima at agad nagsumbong sa isang barangay tanod.

Sinamahan nito ang biktima sa himpilan ng pulisya na ikinadakip naman ng dalawang suspek matapos ang follow-up operation sa tinutuluyan ng mga ito sa kani-kanilang mga lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply