Dalagita pinilahan ng 3 kelot sa kariton

HULI sa akto ng mga tauhan ng barangay ang tatlong lalaki habang pinipilahan at ginagahasa ang isang dalagita sa loob ng isang kariton, Linggo ng gabi ulat ng pulisya sa Pasay City.

Nakaditine na sa Pasay City Police detention cell ang dalawa sa mga suspek na sina Christian Puban, 18, ng E. Rodriguez St., Malibay at Jeramy Arnaiz, 21, ng 4 Datson St., Fairview, Quezon City habang nakatakas umano ang ikatlo at 12-anyos na suspek na pawang mangangalakal ng basura.

Nakatakdang isailalim naman sa medico legal examination ang 14-anyos na biktima na itinago sa pangalang Mely.

Sa ulat ng Pasay Police-Women’s and Childrens Desk, nagroronda ang mga barangay tanod ng Malibay nang mamataan ang isang kariton na umuuga sa ilalim ng LRT dakong 11:30 kagabi.

Nang kanilang usisain, bumulaga sa kanila ang isa sa mga suspek na nakakubabaw sa biktima habang nakatakip sa mga katawan ang isang manipis na kumot.

Agad na inaresto ng mga tanod ang naaktuhang suspek habang nadakip din ang isa pang kasamahan nito ngunit nagawa umanong makatakbo ng menor-de-edad na suspek na kasama rin sa pangagahasa.

Sa loob ng istasyon, inamin ng mga suspek na ginalaw nila ang biktima dahil sa ibinugaw naman umano sa kanila ng isang bakla kapalit ng maliit na halaga ng pera.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply