Dallas napaso sa Heat

MULING nag-ala halimaw si LeBron James nang pumuntos ng 24, siyam na rebounds at limang assists upang makauna ng panalo ang Miami Heat laban sa Dallas Mavericks, 92-84 sa Game 1 ng nagaganap na 2010-’11  National Basketball Association, (NBA) finals Miyerkules ng umaga.
Bumira si two time MVP James ng 9 of 16 sa filed goal kabilang ang 4 of 5 sa 3-pointer upang ilista ang unang panalo sa limang finals-game appearances.
Sa huling canto ay sumalaksak si James upang ipasok ang mala-halimaw na dunk at pagkatapos ay tumikada ng isang free throw para sa 85-75 bentahe ng Heat may 2:48 minuto na lamang ang natitirang oras.

Hindi rin pinabayaan nina Dwyane Wade at Chris Bosh ang kakamping si James kaya kumana rin sila ng 22 points, 10 boards at anim na assists at 19 pts., siyam na rebounds at tatlong assists ayon sa pagkakasunod.

“I just was aggressive,” wika ni Wade.  “We understand that this is the kind of game we wanted to play. We had them where we wanted them in  the sense of points. You know they wasn’t scoring a lot on us and offensively we just executed and  guys made plays.”

Naghahabol ang Heat ng walong puntos sa third quarter bago agawin ang lamang at  umalagwa upang  makauna sa kanilang best-of-seven series at manatiling walang talo sa home court playoffs.

“That’s kind of the way we’ve been winning games, of late,” dagdag ni Wade. “You’ve got stay with it. You can’t get frustrated because the ball’s not going in. There’s other ways you can dominate the game and we was able to do that tonight. I thought we did a great job in the second half of rebounding the ball, limiting them to one shot as much as possible.”

Tumikada ng 39 percent sa field goal ang Heat habang 37 percent lamang sa Dallas, outrebounded din ng una ang huli, 46-36.
“It’s one game, and that’s it,” sabi ni Erik Spoelstra. “We’re already moving on.”
Na balewala ang 27 points, walong rebounds at dalawang assists kasama ang 12 of 12 sa free throws  ni Mavericks star forward Dirk Nowitzki dahil nalasap nila ang unang talo sa road games matapos itarak ang limang sunod na panalo sa playoffs.
“By and large, we’ve got to play better, just overall,” ani Mavericks coach Rick Carlisle. Sumegundo para sa opensa ng Mavs si Shawn Marion na may 16 puntos, 10 boards at apat na aasists habang 12 pts. at tig isang rebound at assist ang ginawa ni bench player Jason Terry.

“We aren’t going to win too many games getting 67 shots. … That’s not us,” saad ni Marion. Samantala, ilalaro pa rin sa Miami ang Game 2 sa Biyernes ng umaga,  (Huwebes ng gabi sa Amerika).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply