Dapat nga bang pigilan ang biological weapons?

MAPANGANIB at nananatiling banta sa buong daigdig ang paggamit ng mga mapamuksang sandata para lipulin ang tao.

Isa ang gobyernong Aquino sa nakikiisa sa mga inisyatiba ng ibang gobyerno, pati mga pandaigdigang organisasyon, para labanan ang pagkalat ng anomang uri ng biological weapons, ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa noong nagsalita siya sa Biological Weapons Convention sa Makati City.

Niliwanag ng kalihim na sa tulong ng United Nations (UN) at iba pang mga organisasyon at grupo ng dalubhasa na mangangasiwa sa pagsubaybay, regulasyon  at  kontrol sa biological weapons ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa sitwasyon.

Ang Pilipinas ang naatasan sa regional workshop ng mga bansa sa East Asia  at Pacific sa July 1 para sa paghahanda sa Biological Weapons Convention.

Inaasahang dadalo sa komperensiya ang mga kina-tawan ng Brunei Darussa-lam, Cambodia, Indonesia, Laos PDR, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore at marami pang iba  pati na rin ang mga miyembro ng akademya at mga institusyong siyentipiko.

Ayon kay ES Ochoa, ang komperensiya ay angkop sa kanyang pinamumunuan na Anti-Terrorism Council (ATC) na naglalayon ng pagkakaroon ng kontrol, proteksyon at pagsawata sa chemical, biological, radiological and nuclear (CBRN) weapons at iba pang armas-pandigma.

WALANG TIGIL NA TONG-COLLECTION

Sa Region 4-A sa kaharian ni RD Gen. Gil Meneses ay walang tigil sa pagkuha ng tong collection sa vices at  iligal na pasugalan. Ang bagman ni Meneses ay si Supt. Peralta ng RSOG.

Si Supt. Peralta ang taga-kolekta ng ‘INT’ (intelihensiya) sa mga iligal na  pasugalan at iba pang bisyo.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189-274764,09266719269 o e-mail sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply