Dapudong vs Marquez sa July 2

MULING makikipagsapalaran si World Boxing Council flyweight champion Edrin Dapudong sa Mehiko kahit na nakaranas na siya rito ng pandaraya.

Tinanggap kasi niyta ang world championship bout kay Mexican Hernan Marquez para sa World Boxing Association flyweight title fight sa Sonora, Mexico sa July 2.

Ayon sa mga handlers ni Dapudong, dahil nanalo naman ito noong Sabado ay handa umano itong humarap sa mabigat na kalaban.

Matatandaan na tinalo na ni Nonito Donaire si Marquez noong July 2010 via knockout.

“We took the chance as Dapudong is in shape after his impressive win last Saturday via the short route and is an experienced fighter who has already proven his worth when he won the WBC Silver title in Mexico last year,” wika ng kampo ni Dapudong.

Nabatid na si Dapudong, 24, ang ipinalit sa pagdepensa ni Marquez sa isang kalaban na tumanggi na rin.

Si Dapudong ay umiskor ng impressive fourth-round stoppage win laban kay 17-year-old Indonesian Benja Loemoli nitong Sabado habang si Marquez ay nakuha ang korona via 11th round technical knockout kay dating titleholder Luis Concepcion.

Nakilala si Dapudong, 22-3 with 13 knockouts, nang kunin ang WBC Silver crown kay Mexican prospect Jesus Jimenez noong isang taon sa 1st round ngunit naagaw ito sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision kay Mexican Wilbert Uicab dahil umano sa pandaraya ng huli.

Matapos ang laban niya kay Uicab, nakitaan siya ng maraming sugat-sugat sa iba’t ibang parte ng katawan na parang kinalmot ng tigre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply