Dasal di epektib sa DepEd

LUMITAW na ang napakapangit na larawan ng K+12 lalo na sa hanay ng mga pablik iskul.

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes, dagdag-gastos lang sa pamahalaan at magulang ang K+12 at hindi nangangahulugan na magbubunga ito ng de kalidad na edukasyon.

oOo

Kapain natin, Suki, ang kalagayan sa Metro Manila.

Daan-daan kundi libo ang bilang ng mga Grade 1 sa mga malalaking paaralan.

May mga iskul na halos maubos ang alpabeto bilang pantatak sa dami ng mga Grade 1 at naglalaman ang bawat kuwarto ng nasa 70-90 na bata.

Dahil sapilitan ang K+12 at hindi makapapasok sa Grade 1 ang hindi daraan sa Kinder, masasabi nating kasindami ng Grade 1 ang mga pumapasok sa Kinder.

Eh, ilang milyon ang Grade 1 sa buong repablik ni Juan, kung isasama na natin ang lahat sa kuwentahan at hindi lang ang mga nasa Metro Manila?

oOo

Dahil sa dami ng mga kinder, nagkukumahog na ang DepEd sa paghahanap ng mga kuwarto o silid aralan.

Target nito na mangupahan sa mga kompyuteran, bakanteng kuwarto sa mga pribadong iskul at iba pa.

Sahod alipin naman ang mga titser sa Kinder dahil sa P3,000 lang ang inilalaan sa kanila sa loob ng isang buwan.

Nagkukumahog tuloy ang DepEd sa paghingi ng limos kahit kanino para madagdagan ang sahod-alipin ng mga titser.

Ang aklat, silya at mesa, at iba pa, aba milyones ang kakulangan.

Paano ngayong matitiyak ni DepEd Secretary Armin Luistro na magiging de kalidad ang edukasyon sa K+12 kung ganito ang kalagayan ng sistema na idadagan sa mga bata, sa mga magulang at maging sa pamahalaan?

Lumalabas tuloy na hindi yata nagdasal o hindi naging epektib ang dasal kay Lord ng mga taga-DepEd para sa kaukulang gabay bago nila pinairal ang K+12.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply