Dating hepe ng CIDG kinasuhan sa S’bayan

KINASUHAN ngayon, Lunes, si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Nestorio Gualberto sa Office of the Ombudsman dahil sa paglabag sa RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

Ibinasura ni acting Ombudsman Orlando C. Casimiro ang motion for reconsideration ni Gualberto, na kasalukuyang direktor ng Bureau of Customs-Enforcement and Security Service (BOC-ESS).

Kinasuhan ang dating CIDG chief dahil sa pagpalya nitong magsumite ng kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN) mula 1998 hanggang 2000.

Unang inakusahan si Gualberto ng OMB-Field Investigation Office (OMB-FIO) dahil sa hindi pagsusumite ng kanyang mga SALN noong 1995-1998 at 2000-2001.

Ayon sa batas, walong taon ang palugit sa pagsusumite ng SALN bago patawan ng criminal charge.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply