Dating Kapamilya aktor yumaman dahil sa millionaire gay benefactor sa Amerika

NAKU, kung nagtataka kayo at bakit biglang nawala sa sirkulasyon noon ang hindi pa naman laos na Kapamilya aktor na sumubok sa paggawa ng action movie at kilalang mayabang sa press, bakit nga hindi nito iiwan ang showbiz kung ang kapalit naman ay negosyo at iba pang kayamanan?

Yes, mga kapatid, nakabingwit ng super rich na bading si tsinitong aktor nang magbakasyon ito sa Amerika. At dahil sa bongga ang equipment niya at na-challenge sa pagiging supladito niya ang gay millionaire, hindi na siya pinakawalan ng bakla. Isa pa, katakam-takam din ang katawan ni actor kaya nabaliw-baliw sa machismo niya ang hindi pa naman katandaang badichi.

Now, hindi lang isang negosyo ang hawak ni actor kundi marami at lahat daw ito kumikita nang husto.

Kaya naman tuwang-tuwa sa kanya ang gay businessman at mukhang magtatagal my BFFT Pete A ang kanilang partnership in business and in bed.

Zinolala si tinutukoy nating actor na supladito na mayaman na? May connect siya sa tinaguriang Jukebox King noong dekada ’70 na si Victor Wood. Kaiingit gyud mga Manay.

***

‘Forever And A Day’ nina KC Concepcion at Sam Milby hahataw na sa mga sinehan bukas

KUNG kumita ang mga naunang pelikulang ginawa ng blockbuster movie director na si Cathy Garcia-Molina, di imposibleng mag-hit rin ang 18th Anniversary Offering ng Star Cinema na “Forever And A Day” na pinagbibidahan nina KC Concepcion at Sam Milby na hahataw na sa more than 100 theaters nationwide starting bukas, Hunyo 15.

Sa pelikulang ito ay ipinapakita ang ganda ng buhay at pag-ibig. Isang pelikulang naniniwala na ang pag-ibig ay walang hanggan, isang makatotohanang kuwento ng pagmamahalan.

Parehong athletic dito sina Raffy Salvador, pangalan ng character ni KC sa movie at Eugene Servero portrayed by Sam.

Dapat panoorin nyo talaga ito para malaman nyo kung bakit parehong nagbitaw sina Raffy at Eugene ng mga katagang., “It took me a day to fall in love… and it will take me forever to say goodbye.”

Samantala, dahil kinakailangan sa kuwentong gawin ito sa mga pinakamagagandang tanawin sa Pilipinas, kuwento pa ni Direk Cathy, “Nu’ng nag-ocular ako, I was surprised! It was my first time in Bukidnon and Cagayan de Oro. I was surprised to know na may ganon pala tayo sa Pilipinas.

“To think that we have the longest zipline in Asia and Bukidnon makes me proud na makapag-shoot doon.”

At isa sa talagang kaaya-ayang tanawin na tinutukoy ni Direk Cathy ay ang Tinago Falls, in Lumon, Lanao del Norte kung saan kinunan ang romantic scenes nina KC at Sam na mas lalong naging super close dahil sa pelikulang ito. Kasama rin sa cast ang mga sumusunod: Rayver Cruz, Vivian Velez, Dante Rivero, Bembol Roco, Matet de Leon, Lui Villaruz, Spanky Manikan, Bing Pimentel, Robin Da Rosa at marami pang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply