Dating Pangulong Arroyo naospital

ISINUGOD sa ospital Huwebes ng umaga, Hunyo 16, si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa sakit na cervical radiculopathy.

Kinumprima ng kanyang tagapagsalita na si Elena Bautista-Horn ang pagkakaospital ni Arroyo.

Aniya, nakaramdam ng matinding pananakit sa likod ang dating Pangulo kaya ito isinugod sa pagamutan.

Gayunman, hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Horn at maging ang ospital na pinagdalhan kay Arroyo ay hindi rin binanggit.

Ang cervical radiculopathy ay isang uri ng injury malapit sa ugat ng spinal nerve na tinatawag na “pinched nerve.”

Ang isang taong may cervical radiculopathy ay nakararamdam ng sakit sa batok, balikat, likod pababa hanggang sa gulugod hanggang sa mga braso na parang tinutusok.

Ito ay karaniwang nararamdaman ng mga tao na may edad 50 pataas dahil na rin sa sobrang pagod.

Siniguro naman ni Bautista na nasa maayos na kalagayan na at walang dapat ipag-alala ang publiko sa kondisyon ni Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply