Dating sikat na action star, namamalimos na lang

SA isang ahensiya ng gobyerno na kilalang isa sa pinakakurap sa katiwalian, namamalimos ang isang dating sikat na sikat action star noong dekado ’60.

Hindi naman sa sinabi kong ipinagbabawal ang mamalimos pero alam na alam nito ang ahensiya ng pamahalaan na dapat niyang istambayan at ikasa ang kanyang kalabit- pengeng panglilimos dahil ang mga opisyal at kawani rito ay kilalang sa katiwalian.

Kung wala pang nakapagsabi sa aking espiya, ay hindi nito makikilala ang isa sa apat na tinaguriang pinaka-matikas na action star sa bansa noong dekada ’60 dahil ang tindig nito ay tila isang pangsabong na manok.

Pero ganyang talaga yata ang buhay ng tao lalo na kapag hindi ka marunong magdala ng iyong tagumpay dahil sa huli ay laging nauuwi ang kintang limpak-limpak na pera sa wala.
Kaya simula nang malaos, ayun nakita na itong madalas na nanghihigi ng pera sa kanyang mga katsokarang gov’t officials at employees para lamang makatawid sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya.

Sana man lamang kung malakihan ang bigayan doon ang mas masakit ay barya-barya lamang ang inaabot sa kanya sa kabila ng kanyang estado noon na isang sikat na artista.

Sa pagkakaalam ko pa, nakasama nito sa kanyang mga pelikula ang tunay na haligi ng action movies na sina dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada, at ang yumaong Hari ng Pelikulang tabing na si Fernando Poe Jr. at pati si Jess Lapid, na tiyuhin ni Senator Lito Lapid.

Hindi tulad noon na kilala itong laging nakasakay sa kanyang kabayo sa kanyang mga pelikulang nagawa dahil ngayon ay naglalakad na lamang ito kapag naglilibot sa naturang ahensiya ng gobyerno para manghingi ng pera.

Kung hindi ako nagkakamali, mayroong binuong organisasyon para tulungan ang mga laos na artista para makabangon sa hirap at kung kaya pa ay mabigyan ulit ng break para makalabas kahit na maliit na role na lamang sa pelikula o sa telebisyon.

Isa itong pamamaraan para matigil na ang panglilimos ng inyong kapatid sa hanapbuhay at kung may magmamalasakit lamang ay alam kong maiaahon pa ito sa kahirapan.

Nanawagan po ako sa kasamahan nitong artista  na magkapit-bisig para maiahon ito sa kahirapan.

Nahulaan na ba ninyo kung sino ang tinutukoy ko?
Kaapelyido po nito ng isang gabineteng nasangkot sa malaking scam noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply