Dating sikat na aktres laman ng casino at walang takot sa paghingi ng balato

MAGANDA ang chemistry nina Robin Padilla at Bea Alonzo sa “Guns and Roses.” May kilig factor at nakakabilib talaga. Huwag lang sanang ma-in-love si Bea sa deadly charm ni Bad Boy. Sayang si Bea pag nagkataon!

Ayos rin ang flirting onscreen nina Rafael Rosell at Jodie Santa Maria sa “100 Days to Heaven.” Simpleng may kiliti at nakakaaliw. Rafael gets to show acting chops without baring his skin. Si Jodie naman ay always reliable sa pagiging magaling.

Wala namang kalatoy latoy magdeliver ng dialogue si Jewel Mische. Sayang daw nawala na si Xian Lim dahil very promising pa naman.

Minsan, nakakatawa na ang mga outfits ni Lorna Tolentino (LT) sa “Minsan Lang Kita Iibigin.” Very distracting pa when she wears red outfits na parang wala sa lugar. Noong panahon ni Direk Elwood Perez, ayaw niya nang ganyan!

Sabi nga ni JC Nigado noon, dramang-drama na ang eksena sa “Maging Akin ka Lamang”, tapos pagtalikod niya sa hospital bed na naka-backless pa, she ruined the entire scene of the great Lino Brocka film.

Pati si Candy Pangilinan becomes a clone. Or possible na pinaglalaruan si Candy to look like LT and that’s funny! Magaling si Candy, pero she has the tendency to repeat herself in most of her roles. Nakakasawa na ang style niya ah.

 

FOUR REASONS

Maski nauubos na ang fans ng dating sikat na singer-actress, hindi nila maaming apat ang major-major na dahilan ng paglubog ng kanilang natatanging bituin.

Sayang at babalik sa wala ang paborito ni Pete! (That was some two decades ago, kuya. Things are a lot different now. Vilmanian na ako. Hahaha! – Ed) Kunsabagay, sabi nga ng fallen star, “Bakit naman ako matatakot bumalik sa kahirapan eh galing nga ako doon?”

How pathetic ‘no?

Unang rason ang drugs na talagang pahamak sa kanyang buhay. Maski na ang kanyang major-major drug scandal. Pero di natuto ang star dahil paulit-ulit siyang bumabalik sa masamang bisyo. Maluluma ang rehab sa kanya.

Second, ang casino at matinding pagsusugal. Maraming pera ang naubos niya na kabayaran sa concert at malaking halaga pa ang winaldas niya. Bale siya ng bale sa mga producers niya bago pa sumapit ang concert kaya takot na takot ang producer na baka hindi na siya sumipot on the day of the show. Maski madaling araw, laman siya ng casino at hindi nahihiyang humingi ng pampabuenas o balato na kanyang pangtaya.

Third ang sex na kanyang di maiwan-iwan. Hawak siya sa leeg ng kanyang tomboy na manager na sumisira sa kanyang career at private life.

“Mahirap syang kaaway,” sabi ng laos na actress kaya takot na takot siyang sumuway sa mga utos nito. Actually, bumibigay na rin ang actress sa kanyang pagiging bisexual. Maging sa concerts ay nagpapahiwatig ito at defensive sa gay rights.

Fourth, ang mga lalaking nagpagulo ng kanyang buhay. Ngayon ay kasa-kasama pa ang isa maski may asawa ito at anak pa. Maski yung taong laging tumulong sa kanya, basta down siya, ay ipinagkanulo pa niya.

Minsan naman ay kinupit pa niya ang budget para sa ka-partner sa isang concert. Buti na lang super gentleman ang dating first love niyang actor-singer. Pero yung controversial actor-rapper ay forever sa kanyang buhay. Balitang ito kasi ang kanyang pusher.

Marami pa ring dahilan kung bakit naglaho na ang kinang ng singer na ito. Kung dati’y golden voice siya, wasted opportunity na ang kanyang buhay. Kaya pala di na bumabalik pa ang mga taong tumulong o nagmamalasakit sa kanya. Marami sa kanila ang niloko pa niya maski na akala ng moviegoing public siya pa ang niloloko niya dahil sa paawa effect niya. In reality, kasuklam-suklam pala ang singer-actress!

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply