De Lima daraan sa butas ng karayom – Ping

TINIYAK ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na daraan sa butas ng karayom si Justice Secretary Leila de Lima sa proseso ng kanyang appointment.

Inihayag ni Lacson sa ginanap na Kapihan sa Senado na gigisahin niya sa Commission on Appointment (CA) si De Lima.

Aniya, marami na siyang nakahandang tanong para sa nasabing miyembro ng Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III sa pag-upo nito sa CA.

Kukwestiyunin din ni Lacson ang napansin niyang pagiging umano’y diktador ng kalihim sa Pangulo, partikular na isyu at imbestigasyon noon sa kontrobersyal na Luneta hostage crisis noong nakaraang taon.

Matatandaang sinabi noon ni De Lima na kanyang ikadidismaya kung hindi tatanggapin ni Pangulong Aquino ang kanyang rekomendasyon base sa kanilang imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.

“Bakit mo na sasabihin na madidismaya ka kung hindi ia-adopt ang iyong rekomendasyon?” ani Lacson.

Aniya, hindi dapat dinidiktihan ni De Lima ang Pangulo dahil ito ang naglagay sa kanya sa posisyon. Dapat umanong  manatiling alter ego lamang ng Pangulo ang sinumang miyembro ng Gabinete nito.

Banat pa ni Lacson, pinalalabas ni De Lima na laging mali ang Pangulo at siya ang tama. Inihalimbawa rin ni Lacson ang naging pahayag noon ni De Lima sa isyu ng nagbitiw na hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Ernesto Diokno.

Wika ni Lacson: “Sa kaso rin ni Diokno, ano sinabi niya? ‘I hope the President will do the right thing.'”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply