De Lima, kinondena sa Ortega murder case

KINONDENA ng dalawang samahan ng mamamahayag sa Palawan ang pagbasura ni Justice Sectetary Leila de Lima sa kasong murder laban kay dating Palawan Gov. Joel T. Reyes at ilan pa hinggil sa pagpaslang kay Dr. Gerry Ortega.

Sa pinagsanib na pahayag, sinabi ng National Union of Journalist of the Philippines – Palawan Chapter at Alyansa ng Mamamahayag sa Palawan Inc., na hindi katanggap-tanggap ang naging desisyon ni De Lima sa naturang kaso at maituturing na isang sampal sa press freedom.

“The three-man prosecutors’ panel demonstrated a patent bias for the accused, completely discarding the evidence that establishes probable cause to let the proper courts try this case,” ayon sa statement.

Sinabi ng dalawang grupo na malinaw na kinatigan ng DOJ panel ang depensa ng akusado sa harap ng matitibay na ebidensiya. Anila, malinaw pa sa sikat ng araw, na dapat kasuhan ang dating gobernador ng lalawigan dahil may testimonya ang pangunahing suspek sa kaso.

“Why none of the suspects identified with the former Governor will not even be criminally held liable according to the DOJ smacks of patent injustice. The investigation of the case clearly established for instance the ownership of the gun that was used in the murder and the direct participation of the suspects who were all personal aides of Mr. Reyes. The testimony of the main witness against Mr. Reyes, his former bodyguard Rodolfo Edrad, Jr., deserves to be heard in court,” giit ng grupo.

Ikinalungkot pa ng grupo na hindi pa nagsagawa ng preliminary investigation ang DOJ sa pamamaraang parehas at obhektibo kaya’t masasabi umanong walang katarungan na mahihita sa kasalukuyang dispensasyon sa pagpatay sa media kahit sa katauhan pa ni De Lima.

“To be clear, we are not prejudging the case against any of the accused. Our position is that the investigation has produced results unlike many other previous cases of journalist killings, identifying in the process a possible mastermind,” ayon sa grupo.

Sinabi pa ng NUJP at APAMAI na dapat iniharap ang mga akusado sa nag-aakusa sa kanila at tunghayan ang ebidensiya.
“Dapat pinayagan ng DOJ ang tamang korte na dinggin ang kaso at hindi lantarang pagtatakip sa akusado base sa kanilang estado sa lipunan at kanilang yaman.”

Hinamon din nila si De Lima na kung saan bumagsak ang sistema ng katarungan sa kanyang pamunuan na ibasura ang malinaw na pagwawalang-bahala sa kasong pagpatay sa isang mamamahayag.

“We call on all sectors of our society, including our incumbent officials some of whom we understand remain politically aligned to the accused, to take the high moral ground and stand for justice and fair play by joining us in our demand for the DOJ to reject its decision,” ayon sa grupo.

Nanawagan din ang dalawang grupo sa media na manatiling matatag.

“We call on our fellow media organizations to stand strongly with us in this struggle. Together, and guided by what is right and fair, we can end this culture of impunity that has continued to inflict violence among the working press,” patapos ng grupo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply