Dean, professor ng CCM nasibak

PINA-DISMISS ni Manila Mayor Alfredo Lim ang isang dean at professor ng City College of Manila (CCM) na sangkot sa pangongolekta ng kung anu-anong fee mula sa mga estudyante na mahigpit na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaang Maynila.

Nadismis sa serbisyo matapos mapatunayang “guilty” sa serious dishonesty and disubordination sina Dean Elena Reoma Cernias at Prof. Caroline Romero.

“Their dismissal should serve a warning to other school and college administrators not to collect a single centavo from students since the city has been implementing the ‘zero collection’ policy in public schools and city-run colleges,” ayon sa alkalde.

“Klaro naman ang bilin ko na hindi bibigyan ng pasanin ang mga magulang ng mga mag-aaral na magkaroon pa ng karagdagang bigat sa buhay dahil sagot na ito ng pamahalaang lungsod ng Maynila,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon rekord, si Cernias ay inakusahan sa pangongolekta ng bayad para sa dalawang sets ng on-the job (OJT) training uniforms mula sa 88 estudyante kung saan umaabot sa halagang P67,895 ngunit natanggap lamang ng mga estudyante ang unang set ng uniform kung kailan matatapos na ang kanilang training.

Napag-alaman din ng alkalde na ang pangalawang set ng kanilang binayarang uniform ay hindi na nakuha ng mga estudyante kaya ipinabalik sa kanila ang halagang P19,500 ni Cernias habang sa pananahi naman ay P9,310.

Depensa naman ni Cernias, kagustuhan umano ng mga estudyante na magkaroon ng mga OJT uniform.

Samantala, apat na estudyante rin ng CCM ang nag-akusa kay Romero ng dishonesty nang mag-solicit naman ito ng halagang P500 sa kanilang thesis, ng walang basehan kung saan mapupunta ang nasabing halaga.

Bukod dito, ayon sa apat na nagreklamo, siningil pa muli sila panibagong P200 bawat isa bilang pambili ng refreshments para sa defense panel.

Mariinnag itinanggi naman ni Romero ang mga alegayson ng mga estudyante laban sa kanya.

Sa limang-pahinang desisyon ay nakita ni Lim na mahina ang alibi ng mga inirereklamo upang mapatunayang mali ang mga alegasyon ng mga estudyante.

Ayon pa kay Lim ang dalawang akusado ay nilabag ang Ordiannce no.7768  kung saan nagbabawal ang pangongolekta, pag-solicit at pagtanggap ng miscellenous fees, school fees, contributions o donation mula sa magulang at estudyante ng lahat ng pampublikong paaralan sa Maynila.

Sa ilalim ng nasabing ordinasa ang mga lalabag ay pagbabayarin ng hindi bababa sa P500 at hindi hihigit sa P5,000 o kaya ay pagkakulong ng anim na buwan o parehong parusa ayon sa discretion ng korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply