Debaldeng Smart-Gilas tuloy ang laban

UMAASA ang Smart-Gilas Pilipinas na sa kabila ng mga may sakit na manlalaro na makapaglaro ng maayos sa FIBA-Asia tungo sa ambisyong makakuha ng pwesto sa South East Asian Basketball Championship (SEABA). Ito ay kasunod ng pagbubukas ng laro bukas sa Jakarta Indonesia.

Ayon kay Nationals coach Rajko Toroman, isasama niya ang sampung players na orihinal na kabilang sa line up na sina JV Casio, na may diperensya sa paa, Japet Aguilar, na iniinda ang bukong-bukong, at ang may sakit sa quadriceps na si Chris Lutz, ang nilalagnat na si Dylan Abavou at ang pinakahuling maysakit sa likod na si Marcio Lassiter. Kasama sa pagtungo sa Indonesia sa pag-asa ni Toroman na makaahon sa karamdaman sa loob ng apat-na araw na torneo.

Ipinagdiinan ng Serbian head-coach na kasama silang lahat at sa Jakarta na sisilipin kung sinu-sino ang nasa tamang kondisyon na paglalaruin. Mangunguna sina naturalized player Marcus Douthit na nagpalamas ng empresibong paglalaro sa 4th place finish ng team Pilipinas sa champions cup at ang contingency na sina skipper Chris Tiu, Mark Barocka, Mac Baracael at Jason Ballesteros.

Makakasasagupa ng mga Pinoy players ang Malaysian team bukas na susundan ng laban sa host Indonesians at wawakasan ang kampanya sa elimination kontra sa Singaporeans sa Hulyo 25. Ang dalawang pinakamalakas na team ay magsasalpukan bagamat ang top 3 ay makasusungkit ng slot sa FIBA Asia meet na nakaiskedyul sa Setyembre 11-25 sa China.

Hindi rin magagamit ng team ang serbisyo nina PBA players na sina Asi Taulava ng Meralco, Dondon Hontiveros ng Air21 Express, Kelly Williams at Jimmy Alapag ng Talk N’ Text dahil sa kasalukuyang ginaganap na PBA Governors Conference habang sina 7-footer Greg Slaughter at Aldrech Ramos ay parehong abala sa paghahanda sa nalalapit na UAAP season.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply