Dela Cruz, San Diego nagtala ng back-to-back win

NAGTARAK ng magkasunod na panalo sina Khulen Lord Agtarap-dela Cruz ng Laoag City, Ilocos, Norte, Samantha Glo Revita ng Rosales, Pangasinan at Marie Antoinette San Diego ng Dasmarinas, Cavite matapos ang second round ng Standard Competition ng 12th ASEAN age-group chess championships na ginanap sa Indoor Telaga Kramat Stadium sa Tarakan, Indonesia kanina.

Ang 7-years-old dela Cruz, ang 2011 Pangasinan National Age Group Champion ay winasiwas si Nguyen Huynh Minh Thien ng Vietnam para makisalo sa six-way tie for first sa Boys 8 and under sa grupo ng 2 pointers na kinabibilangan nina Ng Shi Yang at Teh De Yong ng
Malaysia, Bui Minh Thanh, Huynh Hai Him at Pham Phu Vinh ng Vietnam, ang kanyang third round opponent.

” Hope maging maganda ang performance ni Khulene Lord sa Tarakan Age Group,” sabi ni dela Cruz coach/ trainer Rosulo Cabusora Jr. na naghasa din ng dunong nina Revita, FM Haridas Pascua, Prince Mark Aquino, Kristine Mae at Chelsie Mae Mariano.

Si dela Cruz,  grade 3 pupil ng Padre Aniballe Laoag City, ay unang tinalo ang kababayan na si Dennis Gutierrez ng Bulacan sa first round nitong Lunes.

Nakabalik sa kontensiyon si Gutierrez matapos ibasura si Budiarto Dhatuyo ng Indonesia para makisalo sa ninth hanggang 19th place kasama si countryman Ronald Canino ng Cagayan de Oro City na dinaig naman si Shim Euijune ng Japan.

Si Canino ay galing sa opening lost kay Phan The Hien ng Vietnam. Sa isang banda, nangibabaw naman si Revita kay Nguyen Thi Minh Oanh ng  Vietnam habang pinadapa naman ni San Diego si Asman Nur Sabrina Aliya ng Malaysia para makasama si Chandra Vania Vindy ng Indonesia sa leadership board na may tig 2 points sa Girls 12 and under.

Tinalo muna ni Revita si Dewi Fortuna S ng Indonesia sa first round habang namayani naman si San Diego kay Febby Unita Novitasari Manuru ng Indonesia.

Magka-kaibang resulta naman ang naganap sa Boys 10 and under kung saan panalo si Julius Gonzales ng Marikina City kay Ari Pardomuan Manurung ng Indonesia tungo sa total 1.5 points at pagtapak sa solo 8th place, habang tabla naman si Dennis Gutierrez Jr. ng Bulacan kay Muhammad Khayxin ng Indonesia para sa 1 point habang yumuko naman si Jeremy Solano ng Cebu kay Sivakumar Ashvin ng Indonesia para manatiling scoreless sa two outings.

Sa Boys 20 and under, tinalo ni Far Eastern University (FEU) bet Richilieu Salcedo ng Cagayan de Oro City kontra si Phan Dinh Nhat Khanh ng Vietnam matapos ang 47 moves ng Sicilian Alapin para makaganti sa sinapit na pagkatalo nina compatriots Mari Joseph
Turqueza ng Quezon City na yuko kay Nguyen Duc Viet ng Vietnam at Lennon Heart Salgados ng CDO na tiklop naman kay FM Nguyen Van Hui ng Vietnam.

Tangan ni Salcedo ang total 1.5 points.Ang performance ng RP youth players sa torneong ito ay closely monitored ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa gabay ni chairman/ president Prospero “Butch” Pichay Jr. at ng Philippine Sports Commission (PSC) na nag suporta ng kanilang trip.

Si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director GM Jayson Gonzales ang delegation head at dalawang coaches na sina NM Wilfredo Neri at James Infiesto ang katulong naman ni Gonzales sa pagtutok sa mga age groupers.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply