Delaying tactics ni PNoy sa ARMM bill binatikos

BINATIKOS ni House Minority Leader Edcel Lagman ang ginagawang delaying tactics ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagpirma sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Elections Postponement Bill.

Ayon kaya Lagman, matapos apurahin at ipagpilitan ng Malakanyang na makapasa ang panukala, nakapagtataka na hanggang ngayon ay hindi pa ito napipirmahan, bagaman noong Hunyo 17 pa nasa mesa ng Pangulo.

Giit ni Lagman, halata ang motibo ng Malakanyang ay para hindi makakilos ang Korte Suprema para harangin ang anumang petisyon na kinukwestiyon sa pagpapatupad ng pagpapaliban ng halalan sa ARMM at pagtatalaga ni Pangulong Aquino ng mga officer-in-charge (OIC) dito.

Iginiit pa ni Lagman na kitang-kitang ayaw ni Pangulong Aquino na kontrahin siya ng Korte Suprema kaya nagpasyang matengga ang panukala upang matuloy ang inaambisyon nito.

Itinatakda pa ng Malakanyang ang araw kung kailan lalagdaan ni Pangulong Aquino ang panukalang batas na magpapaliban sa halalan sa ARMM.

Binatikos din ang pahayag ng Malakanyang na magpapalabas na rin ito ng adminitrative order sa darating na linggo na bubuo sa screening committee na sasala sa mga posibleng maging OIC ng ARMM.

Ayon kay Lagman, ito ay isa na namang delaying tacticni G. Aquino.

Kabilang sa mga itatalaga ni Pangulong Aquino ang gobernador, bise gobernador at mga miyembro ng legislative assembly bago mag-Setyembre 30 ngayong taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply